Tuesday, February 2, 2016

Regine Velasquez, finally back on Primetime block

Photo: RVFriendsOfficial
Sa wakas ay magbabalik na ang Asia's Songbird Regine Velasquez sa dramahan dahil last week lang, Jan 29, ay nagkaroon na ng story conference ang pinakabagong drama na handog ng GMA Network para sa GMA Telebabad, ang "Poor Señorita" kasama ang batikang aktres na si Snooky Serna at ang Queen of Soul na si Jaya.

Kasama rin sa cast sina Sheena Halili, Ervic Vijandre, Jillian Ward, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla at ang StarStruck VI runner-ups na sina Elyson de Dios at Ayra Mariano na first time sasabak sa totoong aktingan.

Limang taon na ang nakakaraan simula nang huling nagkaroon ng teleserye si Velasquez, ang huli'y ang I Heart You Pare! kasama si Dingdong Dantes na sa kalagitnaan ng palabas ay pinalitan ng dating Kapusong si Iza Calzado dahil sa kaniyang pagbubuntis. 

Mula sa pictures na nagsilabasan sa story con ay si Dominic Zapata ang magiging direktor ng naturang palabas. Dati nang nagsama sina Velasquez at Zapata sa isang teleserye noong 2010 sa Diva. Wala pang final date kung kailan ipapalabas ang Poor Señorita ngunit ayon sa ibang entertainment websites ay sa March 2016 ang tentative airing nito.


No comments:

Post a Comment