Monday, February 8, 2016

Jennylyn Mercado, to star in a Kapamilya Movie; Hoy GMA gising!

Photo: Mark Baquiran
May bagong Kapuso na naman ang gagawa ng pelikula para sa Star Cinema, ang film company ng itinuturing ng GMA network na rival station - ABS-CBN. Isa sa mga in demand ngayon sa industriya ng pelikula, nagbida sa dalawang hugot films na nagbigay sa kaniya ng best actress award, ang pinaka-successful na StarStruck graduate, kilala niyo na ba kung sino? Yep siya nga, si Jennylyn Mercado. (Ay oo nasa title pala)

Mula kay Derek Ramsey, sinundan ni Sam Milby at nitong huli ay si Jericho Rosales, panibagong Kapamilya actor na naman ang makakatambal ni Jennylyn, no other than John Lloyd Cruz. At ang pelikula? Under sa controversial at isa sa mga successful movie directors sa ngayon, Direk Cathy G. Molina.

Wala pa akong nabalitaang title ng pelikula at kung anong genre nito basta ang malinaw, katulad nila Marian Rivera, Dingdong Dantes at Dennis Trillo ay susunod na rin si Jennylyn sa mga yapak nila na magkakaroon ng Star Cinema film. 

Mabait ang GMA Network sa pagpapahiram sa home talent nila pero dito mo malalaman kung sino sa dalawang network ang marunong dumiskarte. Yep, sadly pong pagong na naman ang Kapuso dahil ABS-CBN na naman ang nanguna sa paggamit kay Jennylyn na mainit ngayon dahil sikat na sikat sa mga tao ang mga pelikula niyang may hugot.

Kaya ang tanong ko, anyare GMA Films?! Kailan kayo mabubuhay? Hanggang ngayon nasa kankungan pa rin kayo. Hanggang sabit na lang ba kayo sa mga MMFF entries? Balikan natin ang pinakahuling pelikula ni Jennylyn under GMA Films. Naaalala niyo pa ba? Clue, ipinalabas ito five years ago, hindi lang siya ang bida rito marami sila. Siret? Working Girls kasama sina Cristine Reyes, Eugene Domingo at marami pang iba.

Kung pagtutuunan natin ng pansin ang pangangalaga ng GMA kay Jennylyn, maganda naman. Maganda, hindi maayos. May hosting stints, dalawang TV series sa isang taon pero pag mga projects na outside GMA, wala na siyang suporta. Hello Englis Only, Please at Prenup! 

Ngayong pa-expire na ang kontrata niya (or expired na ba?) hindi ba dapat simulan na ulit ng GMA ang panliligaw? Kasi kung mapapansin natin, may ibang umaaligid na sa isa sa sikat na leading ladies ng GMA. Mahirap panghawakan ang salitang loyal kung nitong nakaraang taon ay nakaramdam mismo si Jennylyn na pinabayaan siya ng kaniyang home network. Kaya kung sa mga susunod na buwan biglang "Kapamilya" na ang binabanggit ni Jennylyn Mercado sa halip na "Kapuso", isa lang ang may kasalanan niyan.

Baka paranoid lang ako dahil ayokong lumipat si Jennylyn pero maraming possibilities na maaaring mangyari. Sana naman, hindi ko lang alam, pero gusto kong umasa na may mga ginagawa na ang paborito kong network para mapanatili ang prized actress nila na maging Kapuso parin sa huli. 

No comments:

Post a Comment