Saturday, January 30, 2016

ON THE COVER: January 2016

Bago matapos ang buwan, balikan natin ang magazine covers ng ating mga Kapuso stars para sa unang buwan ng 2016:

Photo: Stargate People Asia
Una sa listahan ang December 2015-January 2016 cover ng itinanghal na "People of the Year" ng People Asia - ang phenomenal love team na AlDub - Alden Richards at Maine Mendoza.

Photo: YES! Magazine
Hindi diyan nagtatapos ang pagiging phenomenal ng tambalang AlDub dahil sila rin ang buena manong cover ng entertainment magazine na YES!

Photo: FHM Philippines
Ang Kapuso leading lady at FHM's sexiest noong 2015 na si Jennylyn Mercado naman ang ginawang opening salvo ng isa sa nangungunang men's magazine sa bansa - FHM Philippines.

Photo: Hola! Philippines
Ang hot momma rin ang napiling maging cover sa Hola! Magazine para sa buwan ng Enero.

Photo: Rogue Magazine
Isang Kapuso leading lady pa ang gumawa ng dalawang cover shoots para sa Enero, si Heart Evangelista-Escudero ang cover ng Rogue Magazine para sa December 2015-January 2016 issue...

Photo: Good Housekeeping
At siya rin ang para sa January-February 2016 ng Good Housekeeping.

Photo: Explore
Mula sa leading ladies ay madako naman tayo sa leading man dahil ipapakita naman ng Kapuso actor Mikael Daez ang kaniyang adventurous side sa Explore Magazine.

Photo: Garage Magazine
Photo: Garage Magazine
Photo: Garage Magazine
Tatlong cover photos naman ang handog ng kahati ng AlDub, Alden Richards para sa Garage Magazine kaya ano pang hinihintay niyo? Kung hindi pa kayo nakakabili ng sarili niyong kopya, aba'y sumugod na sa pinakamalapit na store at bilhin ang magazine na inyong tipo bago pa man sila mapalitan ng mga bago para sa buwan ng Pebrero!


No comments:

Post a Comment