Bago matapos ang buwan, balikan natin ang magazine covers ng ating mga Kapuso stars para sa unang buwan ng 2016:
 |
| Photo: Stargate People Asia |
Una sa listahan ang December 2015-January 2016 cover ng itinanghal na "People of the Year" ng People Asia - ang phenomenal love team na AlDub - Alden Richards at Maine Mendoza.
 |
| Photo: YES! Magazine |
Hindi diyan nagtatapos ang pagiging phenomenal ng tambalang AlDub dahil sila rin ang buena manong cover ng entertainment magazine na YES!
 |
| Photo: FHM Philippines |
Ang Kapuso leading lady at FHM's sexiest noong 2015 na si Jennylyn Mercado naman ang ginawang opening salvo ng isa sa nangungunang men's magazine sa bansa - FHM Philippines.
 |
| Photo: Hola! Philippines |
Ang hot momma rin ang napiling maging cover sa Hola! Magazine para sa buwan ng Enero.